PASAHERO NAIWAN SA FLIGHT DAHIL SA MATAGAL NA INTERVIEW NG IMMIGRATION OFFICER

Napaulat kamakailan ang hindi magandang karanasan ng isang freelance writer/stylist na naiwan ng kanyang flight dahil sa matagal na interview sa kanya ng isang immigration officer.

Nasayang ang PHP19,000 worth na plane ticket na binayaran ni Cham Tanteras papunta sana sa Israel.

Read: Pinay teen, driven to tears, puts in place netizen who mocked her for calling Charles & Keith bag "luxury"

Ang dahilan, ang nagtagal na interview ng Bureau of Immigration (BI) personnel kay Cham.

Ang ibang tanong sa interview ay wala namang kinalaman sa kanyang biyahe. Hinanapan siya ng yearbook, graduation photo, at tinanong pa tungkol sa estado ng relasyon ng kanyang mga magulang. 

Iniulat ang karanasan ni Cham sa 24 Oras ng GMA News noong nakaraang linggo.

Maagang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 si Cham para sa solo trip niya sa Israel noong December 2022.

Isang immigration officer ang humarap sa kanya.

Ani Cham, "Sabi niya sa akin, ‘Ma’am, I’ll bring you to this office ha, a person there will just ask you more questions.’"

Pagdating sa immigration office, nagtaka si Cham sa mga ibinatong tanong sa kanya. 

"Tinanong ako if my parents are separated or together. He also asked me if I have already graduated. Sabi ko, ‘Yes.’

"Hiningan niya ako ng yearbook. Hindi naman ako magdadala ng yearbook while travelling kahit saan pa.

"Sabi niya, ‘If you didn’t bring your yearbook, do you have your graduation photo with you?’"

Buti na lang at may wacky shots si Cham sa cellphone mula sa kanyang graduation photo shoot.

May mga side comments pa rin daw ang immigration officer.

"He has remarks pa na parang, ‘Di mo naman kamukha,’ ganon-ganon," lahad ni Cham.

Nag-alala raw si Cham nang pinahawak sa kanya ng isang bordered questionnaire dahil walang sinabing dahilan sa kanya ang officer.

Makailang ulit daw pinuntahan si Cham ng ground staff ng airline para ipaalam na pasara na ang boarding gates ng kanyang sasakyang eroplano.

Nilinaw naman daw ng immigration officer na hindi niya i-o-offload si Cham, pero sinabing marami pa siyang tanong kay Cham.

"Then when I finally got in, nag-signal na yung ground staff inside the boarding gate. Sabi niya, ‘No na. Closed na.’"

Naiwan si Cham at nasayang ang ibinayad niyang PHP19,000 para sa ticket.

PHOTO: TikTok (@chamtanteras)

Kinabukasan, bumili ng ticket para sa ibang airline si Cham na nagkakahalaga ng PHP27,000.

Na-enjoy ni Cham ang kanyang solo trip sa Israel noong Christmas season.

Subalit hindi pinalampas ni Cham ang aberyang naranasan niya mula sa immigration officer.

Katuwiran niya, paano kung mangyari iyon sa ibang pasahero na wala nang budget?

"Ako, personally, I feel discriminated. I did all my best to bring as much as I can, na I feel like relevant sa trip," ani Cham.

"Paano pala kung di ako graduate? So I’m not allowed to travel?"

BUREAU OF IMMIGRATION's statement

Kaugnay ng insidente, kinunan ng 24 Oras ng pahayag si BI Commissioner Norman Tansingco.

Sinabi nitong nagsagawa sila ng imbestigasyon at hiningan nila ang concerned immigration officer ng full report kaugnay ng isyu ni Cham.

Aniya, "The passenger was eventually allowed after filling out the Border Control Questionnaire and undergoing secondary inspection."

Katuwiran pa ni Tansingco, dahil sa banta ng human trafficking at illegal recruitment, ginagawa ng BI ang kanilang trabaho.

"The BI seeks consideration and understanding as the agency is constrained to implement strict measures to assess departing passengers."

Pinaalalahanan naman ng commissioner ang kanilang mga tauhan, "to conduct their inspections professionally, and in an efficient manner, to prevent future incidents from occurring."

CHAM REACTS TO THE STATEMENT 

Sumagot muli si Cham sa naging statement ng BI tungkol sa kinasangkutan niyang isyu.

Inilabas niya ang kanyang saloobin sa social media nitong March 12, 2023.

Paglilinaw muna niya, hindi niya intensiyong takutin ang iba pang travelers kaugnay ng nangyari sa kanya.

"But I hope that it will serve as a voice, and hopes for a change and efficient system of the Immigration. Of course, it will affect us travelers."

Ang intensiyon daw ni Cham ay maging "voice" at halimbawa sa iba for "standing up for your rights."

Sabi niya pa, "This isn’t anymore about my PHP19,000. This is in behalf of the Filipinos who want to travel abroad kasi lahat tayo may right to travel. Remember that.

"To be honest, I’m still very pissed off by the Immigration until now, even if nag-release na sila ng statement, coz their statement is b*llsh*t."

Banat ni Cham, wala pa ring linaw kung bakit kailangan siyang hanapan ng yearbook sa interview.

"So ano nga talaga ang konek ng yearbook ko sa human trafficking?" buwelta ni Cham.

Paglilinaw ni Cham, wala siyang ibang pangit na karanasan sa iba niyang naging trip abroad. 

"I think this is just one instance, but I don’t want to invalidate that specific instance.

"I know that it could happen and it already happened to a lot of Filipinos."

Sabi niya, hindi siya manhid sa mga problemang kinakaharap ng immigration agency tulad ng human trafficking.

Alam din daw niyang standard procedure ng BI ang pagtatanong sa kanya para protektahan ang katulad niya.

"But to what extent? Me missing my flight?" sundot ni Cham.

"According to the officer, wala naman pala siyang plano to offload me, coz I know for sure my documents are enough.

"He knows that already kaya naghahanap siya ng butas sa mga documents ko. Why do you have to delay it?"

Inihayag din ni Cham ang pagkadismaya niya sa official statement na inilabas ng BI.

Aniya, "Are you even aware that I missed my flight because of too much questioning? That I was delayed?

"And who is accountable for that?"

Marami raw netizens ang nag-message kay Cham at ibinahagi ang parehong karanasan nila.

May mga nag-iwan daw ng mensaheng "naghihintay iyan ng under the table," na hindi raw ito-tolerate ni Cham.

Maanghang na sabi ni Cham, "I’m pissed that they are just being so defensive on their statement.

"There were no apologies on their part, no accountability still.

"Ano? Anong next action plan nito? Thank you, magti-thank you na lang ako, ganon?

"They were asking for what again? Consideration, pang-unawa?

"I will pay PHP19,000 for that consideration? Ako pa magbabayad ng missed flight ko because I had to consider them?

"Bureau of Immigration, stop relating your incompetency to the current issues, like human trafficking.

"You were just being defensive. You are not solving the problem, you are the problem."

 Bukas ang PEP.ph sa panig ng mga tao at ahensiyang sangkot sa isyu. 

2023-03-15T08:18:28Z dg43tfdfdgfd